Mind settings ng mga taong successful sa PTC at kahit anung online programs

 

Dami natawag, nag ppm dito sa sulit, nag eemail, nag tetext, yung iba gusto pa makipag meet. Lagi nila tinatanong "pano po ba kumita ng malaki dito sa ptc online jobs na to?" Whew! Hirap ng tanong. Kase ang problema ko eh, pano ko gagawin yung math equation ng $0.01 cents per click at iparealize sayo na me future ka sa pag ki click ng ads sa PTC. Actually, ang lakas ng tawa ko dati ke pinoydeal nung mga 2 months palang sya nag pptc, that was around 3 years ago. Inintroduce nya saken yung ptc ( kilala ko si pinoydeal personally ) sabi saken,

Pinoydeal: "leo, me bago akong online business ngayon, gusto mo sumali libre lang?"

Leo a.k.a greed4money: "online business? anu yan porn?"

Pinoydeal: "hindi, loko ka talaga, hehehe. paid to click to, mag ki click ka lang ng ads ng website babayaran ka na!"

Leo a.k.a greed4money: "Ows? Di nga? mag kano ang kita dyan per month?"

Pinoydeal: "mga 500 pesos na kinita ko last month"

Leo a.k.a greed4money: 500 pesos? nag sasayang ka ng oras mo sa 500 pesos a month? ( sabay tawa ng painsulto )

Pinoydeal: ..... ( tahimik lang kase nainsulto )

Kagandahan ke pinoydeal, di sya nakikipag argumento kung alam nya ang kausap nya eh medyo makitid mag isip na katulad ko. ( dati yun, pero di na ngayon. )

After 11 months naitanong ko ule ke pinoydeal yung online ptc business nya. Syempre me tonong pang insulto naman ang tanong ko. hehe ( nag wowork kami ni pinoydeal sa isang call center company, at mga seller kami sa kumpanya namin as in top seller lalo na si Pinoydeal, kumikita ako ng 35k php kada buwan at si pinoydeal naman ay kumikita ng 40k-60k kada buwan ) Kaya sino ba namang di matatawa kung merong business opportunity na ipe present sayo na 500 pesos lang ang kinita sa isang buwan, hindi ba? ( umagree ka naman me punto ako eh. ^_^ ) Anyway, lets go back on the scenario. So nag tanong ule ako.

Leo a.k.a greed4money: "pinoydeal! musta yung online business naten dyan? hehe. ( me halong yabang na tanong, sama talaga ng ugali ko no, hehe )

Pinoydeal: "tignan mo na lang yung blog ko. PINOYDEAL11.BLOGSPOT.COM" ( wala na itong blog nya ngayon dinale na ng google! Masyadong henyo eh.. hehe ) But you can check pinoydeal's page here.

So medyo na curious ako sa blog nya at tinignan ko syempre. Nagulat ako na yung dating kinikita nyang 500 pesos kada buwan ay unti unting naging 5,000 , 10,000, 20,000, 40,000 kada buwan. And that was more than 3 years ago. So ikaw nalang ang bahalang mag isip kung mag kano na ang kinikita ngayon ni pinoydeal. In fact, iniwan na ni pinoydeal yung trabaho namin last month ( august 2010 ). Iniwan nya yung trabaho namin na nag papasahod sa kanya ng mga 40k - 60k kada buwan kasama commission namin sa pag bebenta ng card insurance.

Ngayon, si pinoydeal hindi na kailangang gumising ng gabi at mag puyat sa pag sagot ng mga calls ng mga galit na mga shunga shungang kano na hindi alam kung anu ang "late fee" sa credit card nila at galit sila na cha-charge sila ng late fee eh, "ISANG LINGGO LANG NAMAN DAW SILA LATE?". Hindi na nya kailangang sakyan yung mga palusot ng kano na kausap namin sa telepono, na sobrang ganda daw ng payment history nila sa credit card nila at never pa daw silang nalate sa pag bayad ng utang nila, samantalang 9 times na kami nag waive ng late fee nila. With matching explanations pa na papaintindi namin sa kanila na maraming beses na silang late at hindi na namin pedeng i waive yung late fee nila na halos me lumalabas nang DUGO sa ilong ko kase nag nonose bleed na ko kaka ingles. lol

Unfortunately, ako ganun paren ang ginagawa ko hanggang ngayon. Gising ako sa gabi para pumasok sa nakaka antok at nakaka high blood na trabaho ko sa call center. Gising ako hanggang alas 6 ng gabi kase inaasikaso ko itong online business ko at enjoy akong sumagot ng mga queries ng mga visitors ko. ( actually mas masaya ako sa ginagawa ko online eh ) Then matutulog ako ng mga 3 - 4 hours araw araw para pumasok sa trabaho ule sa gabi.

 

Baket ko pa kailangan mag ptc kesa matulog nalang ako?

 

Kase gusto ko maging katulad ni pinoydeal. Gusto ko na marami akong oras para sa pamilya ko, yung tipong kumikita ako ng pera online kahit natutulog ako, yung tipong di ko na kailangang mag palusot sa boss ko na kunwari me sakit ako kaya di ako makaka pasok sa boring kong trabaho, yung tipong pede ko pasyalan yung mga kaibigan ko at ayain ko sila ng gimmick at mag inuman kami ng buong gabi.

I want TIME FREEDOM, FINANCIAL FREEDOM at higit sa lahat ayaw kong ma TSUGI NG MAAGA DAHIL SA STRESS KO SA TRABAHO KO.

Good thing is, si pinoydeal meron na lahat nyan ngayon. Hindi ko sinasabi na kikita ka ng milyon sa ptc ng isang linggo or isang buwan or isang taon. All I'm saying is, "napakalaki ng potential ng kita sa internet kung iintidihin mo lang sya ng maigi".  Syempre di lang PTC ang pinag kikitaan ko at ni pinoydeal. Additional stream of income lang namin ito sa internet, at dito kami nag umpisa sa ptc bago kami pumasok sa iba't iba pang online programs. ( mostly puro involve ang money investment sa ibang programs na sinalihan namin )

So para matapos na tong mahabang sulat kong ito, ang tanong "anu ba ang dapat na mind setting naten sa ptc at sa kahit anung online programs?"

  • THINK BIG AND KICK ASS - Wag ka lang mangarap kase para ka lang nag "wish" na alam mong hindi matutupad. TAKE ACTION. yan lang ang sagot sa lahat ng doubts mo about any online opportunity.
  • IF YOU THINK THAT THERE IS A GOOD OPPORTUNITY NA NASA HARAP MO, "MAKINIG", GRAB IT AND DON'T ARGUE. Wag ka na mag matalino na parang alam mo na ang lahat kung alam mong maganda opportunidad na nasa harapan mo, kase bandang huli mag sisisi ka. Katulad ko, nanghihinayang ako kung baket di ko agad na grab yung opportunity na sinabi saken ni pinoydeal 3 years ago dahil sa kayabangan ko. Ngayon alam ko na yung leksyon ko kaya ito ako ngayon at nag susulat nito para sa mga taong nag iisip na walang sense itong online opportunity na ito or sa mga gustong MAG QUIT ng maaga.
  • PATIENCE IS THE KEY - hindi get rich quick ang ptc para linawin ko sayo. It would take time, konting effort, konting pera para umasenso ka sa oppotunity na ito.

 

That's it! I'm done! ( Whew! ) ma inspire ka sana kahit konti sa pag share ko ng buhay ni pinoydeal.Smile

 

Go back to greed4money's sulit page

 

PAID TO CLICK 101 : Mga bagay na kailangan mong maintindihan about PTC.

PAID TO CLICK 102: Mga dapat malaman kung pano makukuha ang online earnings mo sa PAYPAL at ALERTPAY.

PAID TO CLICK 103: Matutuno kang MAKISAMA!

PAID TO CLICK 104: Upgrading your PTC ACCOUNTS

 

Final Words from Greed4money!

Mga dapat mong malaman tungkol saken? ( anu kaya yun? )^_^

 
Back to top ▲